"KATORSE"
.
.
Iba't ibang tao - nag-aaral, nagtratrabaho
Kung sabagay, kailangan daw magsikap sumweldo
Ano ba ang katuturan ko, gamit ko sa mundo?
Nawawala. Nagsusumamo. Ikaw ba, alam mo?
Madaling sabihing subukan ang maraming bagay.
Pagkain. Salapi. Alak at Yosi. O Tagumpay?
Ngunit bakit parang may kulang...wala kaming gabay!
Kumakalinga. Nagtuturo.Kasangga sa buhay.
Biglang may lumapit at tinanong ako, "gusto mo?"
May kilala akong makakapitan, kaibigan mo.
Magmamahal ng lubos, pakikinggan problema mo
Handa ka ba? Halika't dun tayo sa Antipolo.
Sige na, sumali ka sa aming indak at saya
Magbigay puri sa Diyos, lumundag at tumihaya!
Karanasan mo'y pakikinggan at di huhusgahan.
Bibigyan ng halaga at kayo'y pagsisilbihan.
Maraming kwento at kabi-kabilang karanasan
Tao din pala sila. lumuluha't nasasaktan
Naghahandog ng kanilang serbisyo sa baguhan
Ngunit kahit ganun pa man, pamilya ang turingan.
Isang umaga pa't nagbigay sila ng regalo
Handog nila'y nagpapataba ng puso kong gulo
Nagtipun-tipon na upang pagtibayin pa lalo
Pananampalataya at pag-ibig ko kay Kristo.
.
A poem (principal author : Mark Angelo De Leon) dedicated by SE 15 to SE 14,
including those who, in one way or another, helped in the Singles Encounter seminar
held last March 30 - April 1, 2007 in St. Michael Retreat House, Antipolo City.

2 comments:

Anonymous said...

This is a sincere expression of love felt by Angelo during the SE seminar, SE 14 and all the support group made it really special indeed. Can we transform this beautiful "tula" into a song? It is very inspirational...

Anonymous said...

..... " Blessed is that servant, whom his Lord when he cometh shall find so doing....." (Matthew 24:46)